TINGNAN. Naganap nitong Martes, 31 January 2023, ang meeting ng CANORECO Occupational Safety and Health Committee sa Conference Room, CANORECO Main Office sa bayan ng Talisay. Pinangunahan ng Safety Officer ng CANORECO na si Engr. Reymond L. Rada ang nasabing meeting.
Pinag-usapan ng mga miyembro ng komite ang mga programa at hakbang upang mapanatiling ligtas ang mga empleyado sa pagganap ng kani-kanilang mga tungkulin. Sapagkat kung ligtas at maingat ang empleyado sa kanilang trabaho, napoprotektahan rin ang mga MCOs sa paligid nila.
Patuloy na pinapabuti ng Kooperatiba ang mga proseso nito upang mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga MCOs.