CANORECO Balita

CANORECO, Pitong Taon Nang Category “AAA” (Triple A) EC

Sa inilabas ng National Electrification Administration (NEA) na resulta ng Calendar Year 2022 Electric Cooperative (EC) Overall Performance Assessment and Size Classification noong July 19, 2023 sa pamamagitan ng NEA Memorandum No. 2023-33, sa ikapitong magkakasunod na taon ay muling nakakuha ng β€œAAA” (Triple A) Category ang CANORECO.
Mula taong 2016 nang sunod-sunod na makuha ng kooperatiba ang nasabing EC Category. Ito ang pinakamataas na category (AAA, AA, A, B, C, D) na maibibigay ng NEA sa isang electric cooperative. Samantala, nananatili pa rin ang kooperatiba na isang Mega Large EC na siyang pinakamalaking size classification (Mega Large, Extra Large, Large, Medium, Small) ng isang electric cooperative.
Sa 121 na electric cooperative sa buong bansa, kabilang ang CANORECO sa 93 EC na nakakuha ng Category “AAA”. Nasa 17 EC ang nag-improve ang performance. At sa pitong (7) EC na itinuturing na β€œailing EC”, anim (6) ang nanatili sa kanilang Category noong 2021 at isa (1) naman ang nag-improve.
Ayon sa NEA, ang mga EC ay humarap sa maraming hamon noong nakaraang taon dahil sa patuloy na banta ng Covid-19 pandemic at ng Russia-Ukraine conflict na parehong nakaapekto nang malaki sa pandaigdigang ekonomiya. Sa kabila ng mga ito, ang mga EC ay tunay na nagpakita ng pambihirang pagganap para sa taong 2022 at nakakuha ng mga kahanga-hangang rating.
Layon ng EC Overall Performance Assessment na sukatin ang katayuang pinansyal, institusyonal at teknikal ng mga electric cooperative sa buong bansa upang matukoy ang credit worthiness, level of development, protection, empowerment at satisfaction ng mga Member Consumer Owners (MCOs), at upang itaguyod ang pananagutan ng mga electric cooperative sa kanilang mga obligasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph