COOP Activities

CANORECO sa 54th Founding Anniversary ng National Electrification Administration (NEA) at 14th National Electrification Awareness Month (NEAM)

Mga ka-MCO! Present ang CANORECO sa pagbubukas kahapon, August 9 2023, ng pagdiriwang ng 54th Founding Anniversary ng National Electrification Administration (NEA) at 14th National Electrification Awareness Month (NEAM).
Ang NEA ay ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa 121 Electric Cooperatives (EC) sa buong Pilipinas. Nabuo ito noong 1969 sa ilalim ng batas na Republic Act (RA) No. 6038.
Kasunod nito ang pagbuo ng mga lalawigan sa kanilang mga EC gaya ng pagbuo ng Camarines Norte sa CANORECO noong 1975 sa ilalim ng batas na Presidential Decree (PD) No. 269.
Kaya ang CANORECO, “Ito ay atin, Pangalagaan Natin.”