Ngayong simula ng buwan ng Disyembre, muli niyo po kaming samahan sa isang maikling panalangin na ito para sa ating mga Electric Cooperatives, member-consumer-owners, at para sa ating bayan💡
Mahal naming Panginoon,
Sa panibagong buwan ng Disyembre, panibagong hamon at mga pagsubok din po ang aming haharapin. Sa kabila nito, kami po ay nagpapasalamat dahil tinulungan po ninyo kaming marating ang pagkakataong ito kung saan maipapakita namin ang aming pagmamahal sa aming mga ginagampanang tungkulin sa aming mga electric cooperatives at member-consumer-owners. Kami po ay buong pusong humihingi ng patuloy ninyong suporta at gabay upang malampasan namin ang lahat ng pagsubok na darating pa.
Ang taong ito ay nagdala ng maraming suliranin at pagsubok hindi lamang sa mga electric cooperatives na apektado, kundi sa lahat din ng manggagagawa ng sektor ng rural electrification. Sa panahong ito namin nakita na ang tatag ng aming samahan ay hindi lamang resulta ng sarili naming lakas at determinasyon.
Bagkus, ito ay nanggagaling sa inyong pagmamahal at pagkalinga para sa aming lahat. Makabuluhan po ang aming mga ipinaglalaban sapagkat kami po ay inaakay ninyo sa landas na makakabuti sa lahat. Hiling po namin na sa bawat hakbang namin ay samahan niyo po kaming lampasan ang lahat ng mga problema at pagsubok na makakaharap namin. Manatali po sana kayong sandigan at ilaw ng bawat lider, empleyado, at manggagawa ng aming sektor.
Panginoon, hiling po sana naming patuloy ninyong gabayan ang mga electric cooperatives at mga manggagagawa nito upang patuloy na magtiwala sa amin ang mga MCOs sa kakayanan at magandang hangarin at intensyon natin para sa kanila.
Gabayan din po sana ninyo ang mga ahensya at sangay ng gobyerno na siyang kaagapay sana namin sa adbokasiya. Naway magkaroon sila ng kalinawan ng isip sa mga desisyon na kailangan nilang gawin.
Patatagin niyo po ang mga electric cooperaitves na kasalukuyang nakararanas ng panlalamang at opresyon. Sana po ay mabigyan ninyo ng linaw ng isip ang mga malalaking korporasyon at maiimpluwensiyang tao sa lipunan na nagnanais kunin at sakupin ang pamamahala sa mga kooperatiba para sa mga makasariling layunin.
Ang dasal namin ay maging matatag ang BENECO, PALECO, CASURECO III at ibang electric coop sa Bicol upang magkaroon sila ng lakas at tibay ng loob sa panahong ng pagsubok. Ipinagdadasal din po namin ang lahat ng mga electric coop sa Iloilo at Negros Island upang patuloy nilang maipaglaban ang kanilang serbisyo at patuloy itong magampanan para sa MCOs.
Itinataas din namin ang lahat ng aming dasal para sa NORDECO; naway lahat po ng pagsubok at paghihirap ay maging rason upang makita din ng mga MCOs ang halaga ng bawat electric cooperative.
Sana po ay haplusin ninyo ng inyong pagmamahal ang mga puso ng mga taong pansarili lamang ang tunay na hangad. Baguhin sana ninyo ang direksyon ng kanilang buhay upang makita nila ang pagmamahal ninyo sa kanila.
Kami po ay naghahangad na patuloy niyo kaming gawing matatag sa lahat ng pagsubok at problema. Kami po ay bigyan niyo ng malinaw na kaisipan at matibay na kalooban upang malampasan ang lahat ng bagay.
Naway sa kabila po ng lahat ng ito ay hindi naman malimutan ang mga rason at plano ninyo para sa amin.
Amen.
United We Stand We Stand United for BENECO!
United We Stand We Stand United for PALECO!
United We Stand We Stand United for CASURECO III and All ECs in Bicol!
United We Stand We Stand United for All ECs In Iloilo!
United We Stand We Stand United for All ECs In Negros Island!
United We Stand We Stand United for NORDECO!

