COOP Activities

S.E.P. 2024 Energization Ceremony (Brgy. Laniton, San Lorenzo Ruiz)

Ilang larawan sa naganap na S.E.P. 2024 Energization Ceremony sa Barangay Laniton sa bayan ng San Lorenzo Ruiz noong May 5, 2025 (Lunes) kasama ang ating CANORECO Board of Directors President and Director para sa Daet South at San Lorenzo Ruiz na si Director Engr. Fernando N. Cruz.

Nasa 23 ang naging beneficiaries ng nasabing barangay. Bukod sa nakabitan ng serbisyo ng kuryente ang kanilang lugar, nakatanggap sila ng libreng installation ng wirings kasama ang isang saksakan at dalawang ilaw.

Nagpapasalamat tayo sa pakikipagtulungan ng mga opisyales ng nasabing barangay sa naging tagumpay ng proyekto na ito.