Sabay-sabay tayong manalangin ngayong araw ng Biyernes para sa ating mga Electric Cooperatives, MCOs, at para sa bayan💡
————-
Mahal naming Panginoon,
Lubos po ang aming pagpapasalamat sa lahat ng biyaya at tulong na ibinibigay ninyo sa amin sa kabila ng bawat pagsubok o problema na aming kinahaharap. May mga pagkakataon pong mahirap para sa amin na makita at intindihin ang rason ninyo para sa lahat ng aming pinagdadaanan, ngunit kami po ay mananatiling instrument ng inyong pagmamahal at malasakit para sa iba. Hindi po kami susuko dahil alam namin kayo po ang sandigan namin sa lahat ng bagay.
Ngayon pong ginugunita namin ang Buwan ng mga Kooperatiba, hinihingi namin ang lubos ninyong suporta upang makita ng mga mamamayan ang halaga ng bawat ginagawa namin para sa kanila. Naway patuloy pong magtiwala ang aming mga member consumer owners sa aming mga ginagawa at magsilbing ilaw po ito sa bawat direksyon na tatahakin namin. Panginoon, alam niyo po ang mga magagandang hangarin namin, at sana po ay maging matagumpay po ang lahat ng aming mga plano sa mga taong pinaglilingkuran namin. Sana po ay parati namin ituon ang atensyon namin sa mga bagay na makakabuti para sa lahat. Ang paraan at daan ninyo ay nawa’y parating manaig.
Sana po ay pangalagaan at gabayan ninyo ang bawat kooperatiba na may magandang hangarin para sa bansa. Umaasa po kaming samahan ninyo parati ang bawat lider at manggagawa ng bawat kooperatibang may magandang intensyon para sa iba upang maging matagumpay ang bawat plano nila sa mas nakararami.
Gabayan at tulungan po ninyo ang bawat lider at manggagawa ng sektor ng Rural Electrification upang maging malakas, matatag, at mapagmahal sa tungkulin at aming adbokasiya. Hiling din namin na tulungan po ninyo ang mga lider ng bansa upang makagawa sila ng mga desisyong makakabuti para sa lahat. Ngayon pong maraming pagsubok ang bansa, sana po ay mabigyang halaga ng bawat lider ng bansa ang tunay na dahilan kung bakit sila nailagay sa kanilang mga posisyon.
Gabayan din po ninyo ang mga ahensya at sangay ng gobyerno na katulong namin sa adbokasiya upang patuloy din silang magkaroon ng kalinawan ng isip sa mga desisyon na kailangan nilang gawin.
Panginoon, lalo niyo pa po sanang gabayan ang lahat ng electric cooperatives na walang ibang hangad kundi ang magbigay ng serbisyong dekalidad para sa mga member-consumer-owners. Sana po ay mawakasan na ang mga pansariling kagustuhan na hindi magdadala ng magandang dulot sa mga MCOs at sa pamilyang Pilipino.
Patatagin at gabayan niyo po lalo ang BENECO at mga electric cooperatives sa Negros Island upang lampasan ang kahit anong hirap o pagsubok na kanilang pagdaraanan.
Patatagin po ninyo ang NORDECO na kasalukuyang nakararanas ng panggigipit mula sa mga malalaking korporasyon at maiimpluwensiyang tao sa lipunan na nagnanais kunin at sakupin ang pamamahala sa nasabing kooperatiba para sa mga makasariling layunin, pansariling kitang-pinansyal, at mga layuning hindi makabubuti sa aming mga member-consumer-owners. Bigyan mo po ng kalinawan ng pag-iisip ang mga kontra-kooperatibang grupo na ito, kasama na ang mga member-consumer-owners na pilit nilang pinapaniwala sa mga maling impormasyon.
Hinihingi din namin ang inyong gabay para sa CASURECO III at lahat ng mga electric cooperatives namin sa Bicol lalo pa’t sila rin ay may kinahaharap na pagsubok. Huwag niyo po sanang hayaang makuha ng ibang korporasyon ang pagbibigay serbisyo sa aming mga MCOs sa Bicol sapagkat ang layunin nila ay taliwas sa ikabubuti ng lahat.
Amin rin pong itinataas sa inyo ang mga pagsubok na kinahaharap ng ILECO I, ILECO II, at ILECO III. Naway ito ay malampasan ng mga empleyado, lider, at pati na rin po ng mga MCOs.
Sana po ay haplusin ninyo ng inyong pagmamahal ang mga puso ng mga taong pansarili lamang ang tunay na hangad. Baguhin sana ninyo ang direksyon ng kanilang buhay upang makita nila ang pagmamahal ninyo sa kanila.
Protektahan niyo po ang lahat ng electric cooperatives sa mga taong hindi maganda ang hangarin para sa iba. Inaangat namin ang lahat sa inyo at sana po ay patuloy niyo pong maipakita sa amin ang mahalagang tungkulin namin na gusto ninyo para sa amin.
Sa lahat ng ito Panginoon, patuloy naming itinataas sa inyo ang lahat na aming takot at pangamba. Patuloy niyo po kaming gawing instrumento ng inyong kabutihan.
Amen.
#ECBlackFridayProtest
#HandsOffOurECsNoToTakeOver
#ECIndependenceWeWillNotBeSilenced
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforCASURECOIIIandAllECsinBicol
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInIloilo
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInNegrosIsland

