COOP Activities

#ECBlackFridayProtest Prayer #2

Mahal naming Ama sa langit,

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap namin sa araw-araw.

Salamat po sa maayos na kaisipan upang gampanan ang aming mga tungkulin, malinis na hangarin upang mapaglingkuran ang iba, at tibay ng loob upang lampasan ang lahat ng pagsubok na aming kinakaharap ngayon sa aming mga trabaho.

Hiling po naming patuloy ninyo kaming bigyan ng katatagan ng loob upang mas maintindihan namin ang Inyong layunin sa kabila ng lahat ng pagsubok at hamon. Batid naming may rason Kayo sa bawat araw na ibinibigay ninyo sa aming lahat. Sa mga nagdaang linggo, hindi po naging madali ang lahat sapagkat ang mga hamon ay patuloy na dumarating at patuloy na dumarami. Inaangat po namin lahat sa inyo, sapagkat alam naming Kayo lamang ang may kapangyarihang mailagay sa kaayusan ang lahat ng bagay.

Pangako po naming hindi kami aalis sa tamang landas, at patuloy naming ipaglalaban ang tama.

Habang kasama po kami sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ng aming bayan, hiling din po sana namin na lalo po Ninyong gabayan ang mga lider ng aming bansa upang maisaayos at mailagay sa tama at mabuti ang lahat ng hakbang at mga desisyong makakaapekto sa lahat ng mamamayang Pilipino. Hiling namin na sana ay makita ng mga lider ng bansa ang totoong diwa ng kanilang tungkulin sa bayan, at gamitin sana ang pagkakataong ito upang maging instrumento sila ng kabutihan at pag-asa para sa iba.

Bigyang gabay din po sana ninyo ang lahat ng lider at manggagawa ng sektor ng Rural Electrification upang maging malakas, matatag, at mapagmahal sa tungkulin. Sa lahat ng ito Panginoon, patuloy naming itinataas sa inyo ang lahat na aming takot at pangamba.

Patuloy niyo po kaming gawing instrumento ng inyong kabutihan.

Amen.

#ECBlackFridayProtest
#HandsOffOurECsNoToTakeOver
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInNegrosIsland