CANORECO Balita

CANORECO TUMANGGAP NG PARANGAL

Tumanggap ang CANORECO ng “GOLDEN DAGITAB AWARD” mula sa National Electrification Administration o NEA noong Agosto 8, 2019 sa ginanap na NEA Golden Anniversary and 50th Years of the Rural Electrification Program celebration sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.  Ang nasabing award ay para sa muling pagiging Category AAA ng kooperatiba na nangangahulugan ng exemplary performance nito sa lahat ng aspeto ng operasyon sa taong 2018. 

 

Ang mga sumusunod ang apat (4) pang parangal na iginawad sa CANORECO sa nasabing okasyon: 1) “GOLDEN DAGITAB AWARD” para sa invaluable contribution ng CANORECO sa successful implementation ng Rural Electrification Program, 2) “3 YEARS OF POWERHOUSE EXCELLENCE AWARD” para sa consistent performance as Triple A Category EC sa nakaraang 3 taon at bilang partner ng NEA, PHILRECA sa One EC MCO Movement, 3) “MODEL MEMBER-EC AWARD” para sa pagiging outstanding member-EC  sa PHILRECA, at  4) “PARAMOUNT ACHIEVEMENT AWARD” para sa exemplary performance ng CANORECO as Triple A Category EC.   Ang unang 2 award ay nagmula sa NEA samantalang ang tatlo (3) pang award ay iginawad ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association o PHILRECA.

 

Si General Manager Zandro R. Gestiada kasama ang mga Board of Directors na pinangunahan ni Engr. Edwin H. Lamadrid, mga Department Managers, at MSEAC Federation Vice Chairperson ang tumanggap ng nasabing parangal. Kasama nilang dumalo ang iba pang mga electric cooperatives sa ibat-ibang dako ng Pilipinas.