Isinagawa ang Energization ng P-6 (Kalye Supot) at P-3 (Brgy. Site), Malatap, Labo noong Enero 27, 2020 (Lunes). Ito ay isa sa mga proyekto ng National Electrification Administration (NEA) para sa kanilang Sitio Electrification Program partikular ang extension of lines at libreng housewiring installation. Apatnaput siyam na kabahayan ang nabiyayaan bilang beneficiaries na nabigyan ng tatlumpung metro na service drop, isang saksakan, at dalawang ilaw kasama na ang kuntador bawat isang beneficiary.
Dinaluhan ang nasabing okasyon ni Director Nicanor B. Neri ng Labo, mga opisyales ng Barangay Malatap sa pangunguna ni Kagawad Concepcion Gabo at mga kawani ng CANORECO.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.

