CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE TUMAAS NGAYONG ENERO 2020

Tumaas ang singil sa kuryente ngayong Enero 2020 billing na babayaran sa Pebrero 2020. Ang sanhi ng pagtaas ay ang mataas na Generation Charge dahil sa mataas na presyo ng biniling kuryente sa Aboitiz Power Renewables Inc. o APRI. Nagdeklara ng force majeure ang APRI dahil sa naranasang Typhoon Signal # 4 na bagyo (Bagyong Tisoy) noong Disyembre 2 at 3, 2019 sa Bicol Region at mga kalapit na rehiyon. Nagkaroon ng pag shutdown ang kanilang geothermal plant na matatagpuan sa Tiwi, Albay, kung kaya’t bumili sila ng supply sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Tumaas din ang Transmission Charge sanhi ng mataas na presyo sa National Grid Corporation of the Phils. O NGCP dahil sa pagbagsak ng 19 power transmission  lines ng NGCP sanhi ng naranasang Bagyong Tisoy. Kung kaya’t tumaas ng .07 centavos ang rate ng NGCP billing.

Ang rate sa residential para sa buwan ng Enero ay umabot ng P 10.1572 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng DisyembreHunyo na P 9.8011 per kwh kung kaya sa kabuuan ay tumaas ang rate ng 36 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 9.2036 per kwh para sa buwan ng Enero kumpara sa P 8.8475 per kwh noong buwan ng Disyembre o tumaas din ng 36 centavos per kwh.

 

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09081865100 at 09560525608.