CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE BUMABA NGAYONG ENERO 2019

Bumaba ang singil sa kuryente ngayong Enero 2019 billing na babayaran sa Pebrero 2019. Ang sanhi ng pagbaba ay dahilan sa mababang Generation Charge partikular sa mababang presyo ng biniling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM. Bumababa ang presyo sa panahon na sapat ang suplay at mababa ang demand o pangangailangan dahil sa malamig na panahon.

Naging dahilan din ang pagpapatigil ng Energy Regulatory Commission o ERC sanhi ng full recovery sa pagsingil ng karagdagang 19 centavos/kwh ng Universal Charge – Stranded Contract Cost (UC-SCC). Matatandaan noong Hunyo 2018 ay nagsimulang mangolekta ang mga Distribution Utilities base sa ERC Case No. 2011-091 RC ng hanggang anim na buwan o hanggang makolekta ang Php 8.5 Million para sa Stranded Contract Cost ng National Power Corporation o NPC na ini-reremit din naman ng CANORECO sa Power Sector Assets and Liabilities Management o PSALM.

Ang rate sa residential para sa buwan ng Enero ay umabot ng P 9.0851 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng DisyembreHunyo na umabot ng P 9.1325 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumaba ang rate ng 4.74 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.1315 per kwh para sa buwan ng Enero  kumpara sa P 8.1189 per kwh noong buwan ng Disyembre o bumaba din ng 4.74 centavos per kwh.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09177646763.