Matagumpay na naisagawa ang inauguration ng isang 90-kilowatt capacity Generator Set ng Calaguas Diesel Power Plant sa Vinzons Sports Complex, Poblacion sa bayan ng Vinzons noong Nobyembre 15, 2018 (Huwebes). Dinaluhan ito ng mga public officials na sina Cong. Marisol Panotes, 2nd district Representative ng Camarines Norte, Vice-Gov. Jonah Pimentel, mga opisyales ng LGU- Vinzons sa pangunguna ni Mayor Eleanor Segundo, Vice Mayor Ligaya Heraldo, mga opisyales at kawani ng CANORECO sa pangunguna nila Director Marcial Ferrer at Juanito Palmero, General Manager Zandro Gestiada, mga kawani ng National Power Corporation o NPC sa pangunguna ni Nerio Somosierra at mga opisyales ng Brgy. Banokbok, Mangcawayan at Pinagtigasan sa Calaguas Group of Islands.
[easingslider id=”3369″]
Matatandaan na nitong buwan ng Pebrero, 2018 ay nabibiyayaan ang Calaguas Island ng isang 90-kilowatt capacity Generator Set upang magsuplay ng kuryente sa tatlong barangay ng Calaguas Island. Ang NPC ang naatasang magbigay ng power generation facilities sa mga isla na hindi konektado sa main grid na tinatawag na Small Power Utilities Group o SPUG katulad ng Calaguas Group of Island.
700 na mga kabahayan ang beneficiaries ng Sitio Electrification Program o SEP sa nabangit na lugar. Ang CANORECO pa rin ang mamamahala sa operasyon nito partikular sa billing at maintenance ng linya.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Technical Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

