CANORECO Balita

KARAGDAGANG BAYAD CENTER MAGSISIMULA NA

Ipinapaalam sa mga konsumidores ng CANORECO na daragdagan na ang mga bayad center upang magsilbing bayaran ng mga konsumidores. Simula sa unang linggo ng Setyembre, 2018 magtatanggap muli ng bayad ang LCC Mall sa bayan ng Labo, JAL Padala, na matatagpuan sa Ground Floor ng LCC sa bayan ng Labo at Express Pay na matatagpuan sa Dasmariñas St, Brgy 8, Daet. Ang mga tatanggapin sa mga nasabing bayad center ay mga “current bill” lamang o walang morosong bill at magdaragdag ng service charge na P5.00 sa kada resibong babayaran. Bukas ang LCC Mall sa bayan ng Labo ng Lunes hanggang Linggo simulang alas 8:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi, ang JAL Padala simulang alas 7:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi at ang Express Pay naman ay bukas simulang Lunes hanggang Biyernes simulang alas 8:30 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon at tuwing Sabado simulang alas 8:30 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

 Ito ay isang paraan upang maiwasan ang siksikan tuwing due date sa Daet Main Office at sa mga Area Offices.

Samantala, patuloy parin namang tumatanggap ng current bill ang bayad center sa Houseware Plaza Lag-on at Houseware Plaza Magang.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.