Maintenance Activities

Maintenance Work – February 18, 2023

LINEMEN IN ACTION.
Kudos sa aming mga linemen na patuloy na nagseserbisyo kahit dagsa pa rin ang buhos ng ulan.
Makikita sa mga larawan ang isinagawang pag pull out ng mga lumang poste ng CANORECO na apektado ng DPWH road widening project simulang barangay Rizal hanggang Poblacion sa bayan ng Sta Elena noong nakaraang Sabado, February 18, 2023 katuwang ang mga contractors na Purepower at Rey D. Lukban.
Patuloy po ang pagsasagawa ng pag pull out ng mga lumang poste upang maging maayos ang linya ng CANORECO at para sa kapakanan ng aming mga member consumer owners.
Maraming salamat sa patuloy na pang unawa at suporta!