CANORECO IN ACTION. Ang isinagawang preventive maintenance ng Malatap 5MVA Substation kahapon, July 1, 2023, mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Isinasagawa ang aktibidad na ito taon-taon para malaman at masigurado na nag-ooperate ng maayos ang mga substation ng kooperatiba.
Ang Malatap 5MVA Substation ng kooperatiba ang nagdi-distribute ng suplay ng kuryente sa mga Member Consumer Owners sa Southroad barangays ng Labo, ilang barangay ng Jose Panganiban, at mga bayan ng Capalonga at Sta. Elena.