𝐂𝐀𝐍𝐎𝐑𝐄𝐂𝐎 𝐈𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍. Ang isinagawang preventive maintenance ng Sta. Rosa 5MVA Substation kahapon, July 1, 2023, mula 12:00 ng tanghali hanggang 5:00 ng hapon.
Isinasagawa ang aktibidad na ito taon-taon para malaman at masigurado na nag-ooperate ng maayos ang mga substation ng kooperatiba.
Ang Sta. Rosa 5MVA Substation ng kooperatiba ang nagdi-distribute ng suplay ng kuryente sa mga Member Consumer Owners sa karamihan ng barangay ng Jose Panganiban.


