4Ps MCOs ng Camarines Norte!
Tuloy-tuloy pa rin po ang aming pakikipag-usap sa inyong mga Parent Leaders. Ngayong araw, July 11 2023, tayo po ay nakipag-usap sa mga Parent Leaders ng bayan ng Mercedes. Tinalakay po natin kung ano, sino, kailan, saan at paano makakapag-aplay para sa Lifeline Rate Discount ng Republic Act 11552.
Ito po ay sa tulong ni DSWD 4Ps Municipal Operations OIC na si Ms. Christal Margarette Mapa at ng kanyang mga kasamahan sa Poblacion at Coastal Mercedes.
Kaya naman, sa mga 4Ps po natin na nagkokonsumo ng 20kWh pababa kada buwan, halina at mag-aplay sa Lifeline Rate Discount. Makakabawas po ito sa bayarin ninyo sa kuryente.
Tara! Aplay na mga 4Ps MCOs!