Nagsagawa ang CANORECO ng Seminar on Net Metering Program noong February 24, 2021 (Miyerkules) sa Function Hall/4th Floor ng CANORECO Bldg., J.P. Rizal St., Daet, Camarines Norte.
Nasa 17 kawani ng kooperatiba ang binahaginan ni Engr. Joshua P. Fernanez, MPA, CSS ng NiggaJosh Electrical Supplies and Services ng kaalaman tungkol sa Net Metering upang masimulan na ang pagpapatupad ng nasabing proyekto.
Ang Net Metering ay ang kauna-unahang non-fiscal incentive mechanism na ganap na ipinatupad sa ilalim ng Renewable Energy (RE) Act of 2008. Sa pamamagitan ng pag-install ng mga solar photovoltaic (PV) panel na hanggang 100 kW, ang mga may-ari ng bahay at establisiyemento ay bahagya nang masa-satisfy ang kanilang pangangailangan sa kuryente.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang mga consumer ay makakatipid sa kanilang konsumo sa kuryente at mapoprotektahan ang kanilang sarili mula sa pagtaas ng presyo ng kuryente.
Makatutulong naman ang mga consumer na mapagaan ang epekto ng climate change sa pamamagitan ng paggamit ng clean energy technologies gaya ng solar power. Mapapababa rin nito ang dependence ng bansa sa mamahaling imported fossil fuels.
Ang Republic Act No. 9513 na kilala bilang βRenewable Energy Act of 2008β ay isang batas na nagtataguyod sa pag-unlad, paggamit at komersyalisasyon ng renewable energy resources.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100, 09190952707 at landline no. 054-5713796.



