CANORECO Balita

MARCH 2024 POWER RATES, TUMAAS

Tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa March 2024 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 10.1393 per kWh kumpara sa Php 10.0705 per kWh noong nakaraang February 2024 billing. Ang low voltage rate ay Php 9.1857 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 7.1327 per kWh. Ang pagtaas na ito ng Php 0.0688 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:

  • Tumaas ang Transmission System Charge ng Php 0.4601 per kWh dahil sa pagtaas ng Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng February 2024.
  • Tumaas ang System Loss Charge ng Php 0.0239 per kWh dahil sa pagtaas ng Transmission System Charge.
  • Tumaas ang Senior Citizen Subsidy Charge ng Php 0.0001 per kWh.
  • Tumaas ang Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) sa Php 0.2494 per kWh na siyang kabuuan ng Php 0.0239 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2013-191 RC noong August 4, 2022 at Php 0.0433 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case Nos. 2014-089 RC at 2016-008 RC noong March 22, 2023 na parehong kinokolekta ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation; at Php 0.1822 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC).
  • Pagpapatuloy ng pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 per kWh mula February 2024 billing alinsunod sa ERC Resolution No. 01, Series of 2024.
  • Pagpapatuloy ng pagkolekta ng Metering Charge na Php 0.4326 per kWh dahil ang kooperatiba ay nakakuha na noong January 10, 2024 ng ERC Certificate to Operate and Maintain a Meter Shop alinsunod sa ERC Notice of Resolution No. 07, Series of 2023.

Sa kabilang banda, bumaba naman ang mga sumusunod:

  • Bumaba ang Generation System Charge ng Php 0.3340 per kWh bilang resulta ng mas mababang Blended Generation Rate dahil sa mas mababang Fuel Cost na ibinayad sa power supplier na Therma Luzon, Inc. at sa pagbaba ng halaga ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) para sa supply month ng February 2024.
  • Bumaba ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php 0.0813 per kWh.

Sa pagtaas ng power rate na babayaran ngayong April 2024 para sa mga konsumo sa kuryente noong March 2024, madadagdagan ng Php 6.88 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 13.76 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 20.64 sa nagkokonsumo ng 300kWh.

Sa March 2024 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 4.8866 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 1.2024 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.7088 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.3030 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4276 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.

Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng Energy Regulatory Commission (ERC). Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.