Ipinagbibigay alam sa lahat ng kasapi konsumidores na ang nakatakdang pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa Oktubre 13, 2018, araw ng Sabado, sanhi ng Annual Preventive Maintenance of Talobatib substation, corrective maintenance of Lag-on substation, right of way clearing and replacement of rotten poles along 69KV lines ay pansamantalang ipagpapaliban. Itutuloy naman sa Oktubre 19, 2018, araw ng Biyernes ang nakatakdang power service interruption.
Ang mga apektadong lugar sa Oktubre 19, 2018 simulang alas 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ay Buong bayan ng Labo, Capalonga, Sta. Elena, Vinzons, Talisay, Daet, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Mercedes, Basud, Brgy.Tamisan at San Martin sa bayan ng Jose Panganiban, at Brgy. Awitan, Tabas, Bakal, Mangcasay, Mampungo, Pinagbirayan Malaki, Dancalan, Calaburnay, Sitio Nakulo sa Brgy. Malaguit sa bayan ng Paracale.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa TECHNICAL SERVICES DEPARTMENT (TSD) Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.

