Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Oktubre 2, 2018, Martes, simulang 10:20 ng gabi hanggang 2:47 ng madaling araw ng Oktubre 3, 2018, Miyerkules, na naranasan sa Brgy. Awitan, Tabas at Bakal sa bayan ng Paracale, Brgy. Aguit-it, Manlukugan, Mampungo, at Matango sa bayan ng Vinzons at buong bayan ng Labo maliban sa mga Brgy. sa South Road ay sanhi ng naputol na primary line sa may Tenorio St., Brgy. Kalamuding, Labo, basag na pin insulator at sanga ng puno na natumba sa linya ng CANORECO sa may Brgy. Masalong dahil sa lakas ng ulan.
Samantala, ang naging sanhi ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Oktubre 4, 2018, Huwebes, simulang 11:49 ng umaga hangang 1:30 ng hapon na naranasan sa Brgy. Tigbinan, Guisican, Bayabas, Canapawan, Kabungahan/Kabatuhan at ilang bahagi ng Brgy. Malibago sa bayan ng Labo at buong bayan ng Sta. Elena ay dahil sa natumbang puno ng mahogany sa distribution line at nadamay na line hardware sa P-3, Canapawan, Labo.
Humapay na kawayan na dumikit sa primary line sa may Larap, Jose Panganiban ang naging sanhi ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Oktubre 4, 2018, Huwebes simulang 10:54 hanggang 11:26 ng umaga at 12:11 hanggang 12:25 ng tanghali na naranasan sa buong bayan ng Jose Panganiban maliban sa Tamisan, San Martin at ilang bahagi ng Sta. Rosa.
Agad naming inaksyunan ng maintenance team ng CANORECO ang mga nasabing problema.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 2 Office sa cellphone nos. 09286558316 at 09951305414 at AREA 3 Office sa cellphone nos. 09209572048, 09079151163 at 09989561315.

