Ang nangyaring pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Setyembre 30, 2018, Linggo, simulang alas 9:27 hanggang alas 9:44 ng umaga na naranasan sa bayan ng Talisay at Vinzons ay dahilan sa pagkakaroon ng loose coonection ng air break switch sa may Curzero, Vinzons.
Agad namang tinugunan ng maintenance team ng CANORECO ang nasabing problema kaya nagkaroon ng emergency power service interruption ng 1:06 hanggang 1:21 ng hapon upang isaayos ang air break switch sa nabanggit na lugar.
Samantala, pagsasaayos ng steel brace sa may Brgy. Alayao, Capalonga naman ang naging sanhi ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente noong Setyembre 30, simulang alas 11:27 hanggang 12:07 ng tanghali na naranasan ng mga taga Brgy. Bagong Silang 3 sa bayan ng Labo at buong bayan ng Capalonga.
Ang nangyari namang pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong Oktubre 1, 2018, Lunes, simulang 1:09 hanggang 1:43 ng madaling araw na naranasan sa ilang bahagi ng Brgy. Lag-on at Central Plaza Complex sa bayan ng Daet ay dahilan sa disturbance sa linya.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa AREA 1 Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717, at para naman sa AREA 2 sa cellphone nos. 09286558316 at 09951305414.

