CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE BUMABA NGAYONG SETYEMBRE 2018

Bumaba ang singil sa kuryente ngayong Setyembre 2018 billing na babayaran sa Oktubre 2018. Ang sanhi ng pagbaba ay dahilan sa mababang Transmission Charge, Generation Charge at System Loss. Bumababa din ang presyo dahil sapat ang suplay sa merkado at mababa ang demand o pangangailangan.

Ang rate sa residential para sa buwan ng Setyembre ay umabot ng P 9.0055 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng AgostoHunyo na umabot ng P 9.9106 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumaba ang rate ng 90 centavo per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.0519 per kwh para sa buwan ng Setyembre kumpara sa P 8.9570 per kwh noong buwan ng Agosto o bumaba ng 90 centavo per kwh din.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.