CANORECO Balita

CANORECO, Nagsagawa ng Gift-giving Activity

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-49 na Turn Over Anniversary ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ngayong buwan ng Mayo, isinagawa ang isang Gift-giving Activity noong ika-16 ng Mayo 2025, Biyernes.

Naging benepisyaryo ng aktibidad na ito ang Our Lady of Guadalupe Orphanage, na nagsisilbing tahanan para sa mga batang inabandona ng kanilang mga magulang. Matatagpuan ito sa Barangay Mabilo II sa bayan ng Labo. Kasama ring naging benepisyaryo ang Halfway Home na tahanan naman para sa mga batang inabuso. Matatagpuan naman ito sa Barangay Bagasbas sa bayan ng Daet.

Kasama ang ilang empleyado ng Kooperatiba, pati na rin ang CANORECO MCO Federation President na si Kgd. Cristina Grace D. Malate, naibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga bata pati na rin ng mga institusyong nangangalaga sa kanila. Nakagpagbigay ang Kooperatiba ng mga sako ng bigas, mga kahon ng gatas at mga pagkain na pang sanggol at pang bata. Gayundin ang mga kagamitan na panlinis, panlaba, at iba pa.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Our Lady of Guadalupe Orphanage at ng Halfway Home dahil sa mga natanggap nilang pagkain at kagamitan. Malaking tulong ang mga natanggap ng mga bata para sa pang-araw-araw nilang pamumuhay habang sinusuong ang kanilang sitwasyon sa buhay.

Inaanyayahan rin ng Kooperatiba ang bawat Member-Consumer-Owner na mag-abot ng tulong sa mga bata. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa mga institusyong nabanggit.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na CANORECO at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph