Tumaas ang billing rates na babayaran para sa January 2022 billing. Ang residential rate ay Php11.3928 per kWh na kumpara sa Php10.9501 per kWh lamang noong nakaraang December 2021 billing. Ang low voltage rate ay Php10.4393 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.7291 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na nasa Php0.4427 per kWh.
Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Generation Charge ng Php0.2759 per kWh na resulta ng mas mataas na presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) dahil nabawasan ng 10.27% o 387 mega-watts ang average supply margin para sa Luzon para sa supply month ng December 2021. Dahil naman ito sa mas mababang available capacity na dala ng significant outages ng mga baseload generator at sa patuloy na gas restriction ng Malampaya Gas Facility. Mataas din ang Newcastle Coal Index at US Consumer Price Index na mga component ng billing mula sa Aboitiz Power Renewables, Inc. (APRI) para rin sa supply month ng December 2021.
Tumaas rin ang Transmission Charge ng Php0.0970 per kWh dahil sa mas mataas na ancillary services charge sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Tumaas rin ang System Loss Charge ng Php0.0430 per kWh; ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA), Lifeline Subsidy at Senior Citizen Subsidy na may kabuuang Php0.0216 per kWh; at Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.0053 per kWh.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa power supplier gaya ng APRI at power seller gaya ng WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph


