Ipinapaalam po sa ating mga MCOs sa River and Highway Block Barangays of Basud, Coastal Barangays of Mercedes, at South Barangays of San Lorenzo Ruiz (San Ramon, Salvacion, Manlimonsito, San Antonio, at San Isidro) na tayo po ay makakaranas ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa November 19, 2022 (Sabado), mula 8:00AM hanggang 2:00PM (6 oras).
Ang sanhi ng pagkawala ng suplay ng kuryente ay para bigyang daan ang relocation at installation ng intermediate pole sa P-6 Brgy. Laniton, Basud. Gayundin ang iba pang gawain upang mapanatiling maayos ang ating mga linya ng kuryente.
Maaaring maibalik ang ang serbisyo ng kuryente anumang oras matapos ang mga nasabing gawain. Paalala po na palaging ituring na mayroong dumadaloy na kuryente ang ating mga linya at mga gamit na kaugnay nito para sa ating kaligtasan.