Ipinapaalam po sa ating mga MCOs sa Barangay Calabasa, Matanlang, Maot, Pag-asa, Malangcao-Basud, Daguit, Macogon, Exciban, Dumagmang, bahagi ng Talobatib, at Sitio Magtaganki ng Bagong Silang 1 sa bayan ng Labo; sa Barangay Tamisan, Santa Cruz, San Isidro, Santa Elena, San Pedro, San Martin, Dahican, Salvacion, Dayhagan sa bayan ng Jose Panganiban na tayo po ay makakaranas ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa November 19, 2022 (Sabado), mula 9:00AM hanggang 2:00PM (5 oras).
Ang sanhi ng pagkawala ng suplay ng kuryente ay para bigyang daan ang reconstruction ng primary lines (UB @ 69kV line), paglilinis sa right of way, pagpapalit ng recloser, pagtatanggal ng mga lumang poste, CAPEX Project, at iba pang gawain upang mapanatiling maayos ang ating mga linya ng kuryente.
Maaaring maibalik ang ang serbisyo ng kuryente anumang oras matapos ang mga nasabing gawain. Paalala po na palaging ituring na mayroong dumadaloy na kuryente ang ating mga linya at mga gamit na kaugnay nito para sa ating kaligtasan.