COOP Activities

Task Force MASELCO Update

Umuwi na noong October 30, 2022 ang grupo ng CANORECO Technical Team na ipinadala natin sa lalawigan/isla ng Masbate noong October 15, 2022 bilang bahagi ng Bicol Electric Cooperatives Association (BECA) Task Force sa Masbate Electric Cooperative, Inc. (MASELCO).
Kasama ang iba pang team na ipinadala ng iba pang Electric Cooperative (EC) sa Bicol, sila ay nag-ayos ng mga service drops at nag-pole metering sa buong lalawigan/isla bilang tugon sa paghingi ng tulong ng MASELCO.
Sa kanilang pagbabalik sa Camarines Norte, power restoration activities naman sa ating lalawigan ang kanilang inaasikaso. Maraming salamat sa inyong mga sakripisyo at patuloy na pagtatrabaho para sa inyong mga pamilya, para sa mga kapatid nating EC, para sa ating kooperatiba at para sa ating Member Consumer Owners (MCOs)!