CANORECO Balita

OCTOBER 2022 BILLING RATES, TUMAAS

Tumaas ang billing rates na babayaran para sa October 2022 billing. Ang residential rate ay Php17.3392 per kWh na kumpara sa Php16.7227 per kWh noong nakaraang September 2022 billing. Ang low voltage rate ay Php16.3856 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php14.6583 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na Php0.6165 per kWh.
Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Blended Generation Charge na Php10.8307 per kWh na tumaas ng Php0.5092 per kWh kumpara sa Php10.3215 per kWh noong nakaraang supply month. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng Fuel Cost (Coal Price) na isang pass-through cost na binabayaran sa mga Power Supplier, gaya ng Therma Luzon, Inc. (TLI), para sa supply month ng September 2022. Tumaas ang nasabing Fuel Cost ng 6.22% dahil sa mas maraming paggamit ng mas mahal na Coal sa paggawa ng kuryente. Nakadagdag din dito ang paghina ng halaga ng Piso laban sa Dolyar o mataas na Inflation Rate.
Bukod dito, tumaas din ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na Php7.4201 per kWh na kumpara sa Php5.4804 per kWh noong nakaraang September 2022 dahil sa pagkakaroon ng sustained high price events at significant generator outages.
Gayundin, tumaas ang Transmission Charge ng Php0.0003 per kWh mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP); System Loss Charge ng Php0.0604 per kWh; Senior Citizen Subsidy, Lifeline Subsidy at Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na may kabuuang Php0.0081 per kWh; at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.1004 per kWh.
Samantala, bumaba naman ang FIT-All Charge ng Php0.0619 per Energy Regulatory Commission (ERC) Case No. 2021-061RC sa pagpapatupad ng bagong FIT-All rate na Php0.0364 per kWh simula ngayong October 2022 billing month.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph