COOP Activities

Typhoon “Paeng” Advisory #2

Nagkaroon ng meeting ang CANORECO Technical Personnels sa pangunguna ni General Manager (GM) Zandro Gestiada kaninang umaga sa CANORECO Talisay Main Office upang planuhin ang mga gagawing Power Restoration Activities sa buong lalawigan ng Camarines Norte na nakataas pa rin sa Signal #2 ng bagyong “Paeng”.
Sa mga gagawing aktibidad mula ngayon hanggang sa mga susunod na araw, isasaalang-alang dito ang kaligtasan, hindi lang ng MCOs, kundi pati na rin ng lahat ng Linemen, Meter Readers, Meter Calibrators, Housewiring Inspectors, Substation Tenders, Clearing Operators, Contractors, lahat ng Engineers sa iba’t ibang departamento at iba pa na syang magsasagawa ng power restoration.
Pakiusap lamang po ng ating kooperatiba na manatili po tayong kalmado habang naghihintay sa pagbabalik ng serbisyo ng kuryente.
Maraming Salamat po at Keep Safe po, aming MCOs at Technical Personnels!