CANORECO Balita

𝐅𝐄𝐁𝐑𝐔𝐀𝐑𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐀𝐒

Tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa February 2024 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 10.0705 per kWh kumpara sa Php 9.2229 per kWh noong nakaraang January 2024 billing. Ang low voltage rate ay Php 9.1090 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php 7.5240 per kWh. Ang pagtaas na ito ng Php 0.8476 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
• Pagtaas ng Generation System Charge ng Php0.1625 per kWh bilang resulta ng pagtaas ng halaga ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) para sa supply month ng January 2024;
• Pagtaas ng Transmission System Charge ng Php0.0173 per kWh dahil sa pagtaas ng Power Delivery Service Charge at System Operation Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng January 2024;
• Pagtaas ng System Loss Charge ng Php0.0391 per kWh dahil sa pagtaas ng Generation System Charge at Transmission System Charge;
• Pagtaas ng Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.1582 per kWh;
• Pagtaas ng Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) sa Php0.2494 per kWh na siyang kabuuan ng Php 0.0239 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2013-191 RC noong August 4, 2022 at Php0.0433 per kWh alinsunod naman sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case Nos. 2014-089 RC at 2016-008 RC noong March 22, 2023 na parehong kinokolekta ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation; at Php0.1822 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta naman ng National Power Corporation (NPC);
• Pagpapatuloy ng pagkolekta ng Metering Charge dahil ang kooperatiba ay nakakuha na noong Janaury 10, 2024 ng ERC Certificate to Operate and Maintain a Meter Shop alinsunod sa ERC Notice of Resolution No. 07, Series of 2023; at
• Pagpapatuloy ng pagkolekta ng Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0364 mula February 2024 billing alinsunod sa ERC Resolution No. 01, Series of 2024.
Sa pagtaas ng power rate na babayaran ngayong March 2024 para sa mga konsumo sa kuryente noong February 2024, madadagdagan ng Php84.76 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php169.52 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 254.28 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa February 2024 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 5.2206 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 0.7423 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.6849 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.3843 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4275 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng Energy Regulatory Commission (ERC). Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.