CANORECO Balita

𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐁𝐈𝐋𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒, 𝐁𝐔𝐌𝐀𝐁𝐀

Bumaba ang billing rates na babayaran para sa June 2023 billing. Ang residential rate ay Php12.7139 per kWh na lamang kumpara sa Php14.5206 per kWh noong nakaraang May 2023 billing. Ang low voltage rate ay Php11.7603 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php10.3294 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na Php1.8067 per kWh.
Ang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Blended Generation System Charge ng Php1.4064 per kWh dahil sa mas mababang Fuel Cost (Coal Price) na binayaran sa ating Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng May 2023. Bumaba ito ng Php1.5405 per kWh mula Php6.9676 per kWh hanggang Php5.4271 per kWh.
Samantala, tumaas naman ang average rate sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng Php0.6290 per kWh dahil sa pagtaas ng average na demand sa kuryente. Ang average na demand sa kuryente sa Luzon at Visayas para sa buwang ito ay naitala bilang pinakamataas para sa 2023 na may 12,062MW habang nagpapatuloy ang panahon ng tag-init.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Bumaba naman ang Transmission System Charge ng Php0.0483 per kWh dahil sa mas mababang Power Delivery Service Charge pati na rin ang Ancillary Services Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Bumaba rin ang System Loss Charge ng Php0.1670 per kWh; ang Lifeline Rate Subsidy at ang Senior Citizen Subsidy na may kabuuang Php0.0044 per kWh; at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.1807 per kWh.
Suspendido pa rin pansamantala ang pagkolekta ng Feed-In-Tariff (FIT-All Charge) na Php0.0364 per kWh dahil sa ERC Resolution No. 12, Series of 2022 na nagsimula noong December 2022 billing hanggang February 2023 billing at ipinagpapatuloy mula March 2023 billing hanggang August 2023 billing base sa pinakabagong ERC Notice of Resolution noong February 22, 2023.
Sa kabilang banda, tumaas naman ang Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) ng Php0.0433 per kWh dahil sa ERC Notice of Resolution noong March 22, 2023 na sumasaklaw sa 2013 at 2014 True-Up Adjustments na nagsimula noong May 2023 billing at magtatapos sa April 2024 billing.
Sa pagbaba ng billing rate na babayaran sa July 2023 para sa mga konsumo sa kuryente ng June 2023, mababawasan ng Php180.67 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; ng Php361.34 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at ng Php542.01 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa June 2023 billing rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php7.5684 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php0.5803 per kWh; sa System Loss Charge ay Php0.9312 per kWh; sa Government Charges ay Php1.5795 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php0.4436 per kWh; at sa DSM Charges ay Php1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering (DSM) Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon. Ang halagang ito ay hindi nagbago mula pa taong 2010.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng iyan ay dumadaan sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago ipatupad ng electric cooperatives. Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Karamihan sa mga component ng billing ay pass-on charges lamang. Buwan-buwan nagbabayad ang CANORECO sa TLI at WESM para sa suplay ng kuryente, at sa NGCP para naman sa pagpapadaloy ng suplay ng kuryente mula sa mga planta ng kuryente papunta sa mga substation ng kooperatiba. At dahil collecting agent ng National Government ang mga electric cooperative, ilang pass-on charges din ang buwan-buwan inire-remit ng kooperatiba sa government corporations/agencies gaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO), National Power Corporation (NAPOCOR/NPC), Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph