CANORECO Balita

CEREMONIAL ENERGIZATION NG SITIO PITISAN, MANGCAYO IDINAOS

Isinagawa ang Energization ng P-7, Sitio Pitisan, Mangcayo, Vinzons noong Nobyembre 7, 2019. Ito ay isa sa mga proyekto ng National Electrification Administration (NEA) para sa kanilang Sitio Electrification Program partikular ang extension of lines at libreng housewiring installation. Dalawampu’t walong kabahayan ang nabiyayaan bilang beneficiaries na nabigyan ng tatlumpung metro na service drop, isang saksakan, at dalawang ilaw kasama na ang kuntador bawat isang beneficiary.

Dinaluhan ang nasabing okasyon ng LGU- Vinzons sa pangunguna ni Mayor Eleanor F. Segundo, Director Marcial P. Ferrer ng Vinzons, mga opisyales ng Barangay Napilihan sa pangunguna ni Kapitana Rezel Octa at mga kawani ng CANORECO sa pangunguna ni Engr. Arceli Etrata.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.