CANORECO Balita

PHILRECA 2021 Awards from the Wires

Ginanap ang Awarding Ceremony ng 2021 Awards from the Wires noong August 27, 2021 – ang ikaapat at huling araw ng 2021 PHILRECA Convention and 42nd Annual Membership Meeting (PAGMM) na ginanap mula August 24, 2021 sa pamamagitan ng zoom.

Ito ang taunang pagdiriwang na isinasagawa ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA) para sa 121 Electric Cooperatives (ECs) sa buong bansa. Ang apat na araw na pagdiriwang na ito ay puno ng messages, sharings, conversations, forums, updates, meetings, awardings, at marami pang iba.

Nilalayon ng pagdiriwang na ito na kilalanin ang walang katapusang pagsusumikap ng 121 ECs sa buong bansa na makapaghatid ng serbisyo ng kuryente sa buong kapuluan base na rin sa mandato sa mga ito na mapailawan ang lahat ng dako ng Pilipinas.

Noong nakaraang 2020 Awards from the Wires para sa 2019 operations, nakatanggap ang CANORECO ng 4 major awards at 3 minor awards. Ngayon namang katatapos lang na 2021 Awards from the Wires para sa 2020 operations, maligaya naming ipinapaalam sa lahat ng mahigit 120,363 Member Consumer Owners (MCOs) ng kooperatiba na nakatanggap tayo ng 5 major awards at 15 minor awards mula sa PHILRECA.

 Bronze Stellar Award
 Limelight Award
 Model Member-EC Award
 Prompt Payor Award
 Paramount Achievement Award

 State of the Art Workplace Award
 Above and Beyond Award
 EC Multimedia Award
 Digital Transformation Award
 Outstanding Radio Program Excellence Award
 Extra Mile Award
 Heart of the Community Award
 Compassion in the Face of Adversity Award
 Champion of the One EC Network Foundation Award
 MCO Champion Award
 Ace of Armor Award
 One EC Signage Award
 Leading EC in Health and Wellness Program Award
 Occupational Safety and Health Excellence Award
 Key Contributor Award

Nagpapasalamat ang pamunuan at ang mga kawani ng CANORECO sa PHILRECA sa lahat ng pagkilalang ito sa kabila ng napakaraming hamong dala ng taong 2020 sa operations ng kooperatiba. Nagpapasalamat din ang kooperatiba sa pakikipagtulungan ng mga MCO na maitawid ang operasyon nito sa lahat ng hamong kinaharap nito.

Ang lahat ng ito ay #ParaSaMemberConsumerOwners at #ParaSaOneECMCOMovement. Sapagkat ating parating pakatandaan, ang CANORECO “Ito ay Atin, Pangalagaan Natin.”

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa ating Official Facebook Account na Canoreco Balita at sa Official Website na www.canoreco.com.ph.

\