CANORECO Balita

CANORECO sa League of Municipalities of the Philippines

Inimbitahan ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Camarines Norte Chapter ang pamunuan ng CANORECO sa kanilang regular monthly meeting noong November 11, 2022 sa Althea’s Dreamland Resort, Brgy. Mampurog, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

 

Dumalo sa nasabing pagpupulong si CANORECO General Manager Zandro Gestiada at si Regulatory Compliance and Business Planning Chief Engr. Niña Aquino upang sagutin at talakayin ang isyung bumabagabag sa mga konsumidores ng kuryente ng lalawigan ng Camarines Norte nitong mga nakaraang buwan – ang patuloy na pagtaas ng Power Rates.

 

Tinalakay nina GM Gestiada at Engr. Niña Aquino ang mga component na bumubuo sa power rates, ang mga basehan sa paninigil ng mga ito, ang mga dahilan kung bakit tumataas ang mga ito, kung saan ang mga ito napupunta, at kung magkano lang ang napupunta sa CANORECO.

 

Hindi na iba sa kooperatiba ang mga imbitasyon at patawag na ito. Mula kalahatian ng taong 2022 ay ilang beses nang ipinatawag ang CANORECO sa Sangguniang Panlalawigan at mga Sangguniang Bayan upang ipaliwanag kung bakit tumataas ang singil sa kuryente sa Camarines Norte. Ngunit kailangang linawin na sa buong bansa ito nararanasan, hindi lamang sa Camarines Norte.

Ang patuloy na pagbili ng imported coal at oil ng mga Power Plants para makagawa ng kuryente, ang patuloy na pagtaas ng halaga ng Dolyar kontra Piso, at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ang mga dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente na binabayaran ng mga electric consumers sa buong bansa. Ang tanging magagawa lamang ng mga konsumidor ng kuryente ay ang magtipid sa paggamit ng kuryente habang naghihintay ang mga electric cooperative sa mga solusyong gagawin ng ating pamahalaan.

 

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook account na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph