Isinagawa ang Special District Election ng CANORECO sa distrito ng Capalonga noong October 26, 2024 (Sabado) mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Capalonga Elementary School (Poblacion, Ubang, Catioan, Camagsaan); Talento-Roll Elementary School (Alayao, Old Camp); Peter Sawmill Elementary School (Magsaysay-Tanauan); Calabaca Elementary School (Calabaca, Mactang, Mabini); Binawangan Barangay Hall (Binawangan); Villa Aurora Elementary School (Villa Aurora, Villa Belen, San Antonio); San Roque Elementary School (San Roque, San Isidro); Itok Elementary School (Itok, Lucbanan); Mataque Elementary School (Catabaguangan, Mataque); at Del Pilar Barangay Hall (Del Pilar).
Sa dalawang kwalipikadong kandidato, nakakuha si Mr. Jesus J. Balce ng 1,593 votes samantalang si Mr. Allan T. Ojas II ay nakakuha naman ng 911 votes. Sa kanyang pagkapanalo, magsisilbing Director o Representative ng mga MCO sa District VIII – Capalonga si Director Jesus J. Balce hanggang sa susunod na Regular District election sa taong 2027.
Pinangasiwaan ang nasabing election nila District Election Committee (DECOM) Chairman Erlyn B. Esturas (School Principal III โ Capalonga Central School); Secretary Marlo Antonio S. Gutierrez (School Principal II โ Calabaca Integrated School); 3rd Member Ricky S. Balce (MCO Municipal Chairman ng Capalonga); Alternate Member Allan Haca; nasa 32 na Precinct Election Committee (PECOM) Teachers ng Capalonga; at mga kawani ng kooperatiba.
Nagpapasalamat ang CANORECO sa mga naglingkod sa nasabing election lalo na sa Department of Education โ Division of Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba, at sa mga MCO na tumupad sa kanilang obligasyon at karapatang bumoto ng kanilang representante sa CANORECO.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na
www.canoreco.com.ph