Ipinagdiwang ngayong buwan ng Mayo ang ika apatnaputdalawang (42nd) taong anibersaryo o Turn Over Anniversary ng CANORECO. May 15, 1976 nang iturn over sa CANORECO ang operasyon ng Daet Electric Plant.
Nagkaroon ng CLINICANORECO sa bayan ng Labo noong May 6 at Capalonga noong May 12 at 13 upang magbigay ng paunang lunas sa mga deboto ni St. John the Evangelist at Poong Nazareno.
Samantala, noong May 25, ginanap ang Tree Planting sa Resettlement, Matacong, San Lorenzo Ruiz na dinaluhan ng mga kawani ng CANORECO sa pamumuno ni OIC-ISD Mary Ann A. Moreno, MSEAC San Lorenzo Ruiz Civic Sector Member, Kagawad Allan Quibral at saΒ pakikipagtulungan ng mga Technical Specialist ng Department of Environment and Natural Resources o DENR para sa kanilang 2018 International Day for Biological Diversity. Nagtanin sila ng dalawang daang (200)Β mahogany seeds para sa programa ng gobyerno na tinawag na National Greening Program.
Ito ay parte pa rin ng Corporate SocialΒ Responsibility o CSR ng CANORECO.
Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Institutional Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.

