Scheduled Power Service Interruptions

DAHILAN NG UNSCHEDULED POWER INTERRUPTION NITONG JUNE 10 AT 11, 2018

Ang dahilan ng unscheduled power interruption na naranasan kagabi, June 10 2018(Linggo), na naranasan simulang alas 10:41 ng gabi hanggang alas 11:14 ng gabi na naranasan sa ilang barangay sa Daet South ay dahilan sa pumutok na cut-out protection sa may Emerald Hardware sa Daet.

Samantala, ang naranasan naman na pagkawala ng kuryente nitong Lunes, June 11, 2018, na nagsimula ng alas 11:09 ng umaga hanggang 11:31 ng umaga na naranasan sa Brgy. Magang, Calasgasan, Pamorangon, Mancruz sa Daet South,  buong bayan ng Basud, San Lorenzo Ruiz at Coastal Barangays ng Mercedes ay dahilan sa pagsasaayos ng humapay na puno ng kawayan sa linya ng CANORECO sa may Brgy. Matnog, Basud.

Naranasan din ang unscheduled power interruption ngayong hapon,  June 11, 2018 sa bayan ng Vinzons na nagsimula ng alas 3:29 ng hapon dahilan naman sa pagsasaayos ng bumagsak na punongkahoy sa primary line ng CANORECO  sa likod ng Vinzons High School.

Ang nasabing sanhi ng power interruptions ay agad namang inaksyunan ng Maintenance at Technical Team ng CANORECO upang maibalik agad ang serbisyo ng kuryente.

Para sa kaugnay na impormasyon, makipag ugnayan sa Area 1 Office na nasa Ground Floor ng CANORECO at maaaring  magtawag or mag text sa mga hotline numbers 571-3717, 09212116180 at 09560525608.