CANORECO Balita

12% SYSTEM LOSS CAP IPAPATUPAD NGAYONG MAY 2018

Noong Pebrero 2018, nagkaroon ng bagong guidelines ang Energy Regulatory Commission o ERC sa pagtatakda ng System Loss Cap at pagtatatag ng Performance Incentive Scheme para sa Distribution Efficiency.

Ang System Loss ay bahagi ng kabuuang enerhiyang binili ng CANORECO na dapat ay rumihistro bilang konsumo subalit napupunta sa technical at non-technical losses at pandaraya o pagnanakaw. Ang System Loss Charge ay isa lamang sa mga components ng taripa sa kuryente na binabayaran ng mga konsumidores.

Base sa ERC Resolution Number 20 series of 2017, nagkaroon ng clustering ang mga Distribution Utilities o DU, kung saan nailathala ang bagong System Loss Cap at base sa resolusyong ito kinakailangang ipatupad ang 12% System Loss Cap simulang May 2018 billing.

Sa kasalukuyan ay 13% ang ipinapatupad na System Loss Cap ng mga Electric Cooperatives, subalit sa bisa ng nasabing ERC resolusyon magsisimula ngayong May 2018 billing ang mas mababang System Loss Cap  na 12%, sa taong 2019 ay 11%, at simulang 2020 ay 10.25%. Ang aktwal na System Loss ng CANORECO ay mababa naman sa System Loss Cap na itinakda ng ERC, kung sakaling tumaas ang System Loss Cap, ang excess  nito ay babayaran ng kooperatiba, kung kaya’t patuloy na gumagawa ng paraan ang pamunuan upang mapanatili ang mababang System Loss.

Kaugnay nito, kinakailangang makipagtulungan ang mga miyembro sa pamamagitan ng pag-report ng mga gumagawa ng illegal connections at iba pang-uri ng pandaraya ng kuryente.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09560525608.