Matagumpay na naisagawa ang energization ng GK Berjaya Village sa Purok 2, Laniton, San Lorenzo Ruiz noong May 11, 2018. Dinaluhan ito ng mga opisyales ng LGU-San Lorenzo Ruiz sa pangunguna ni Mayor Nelson P. Delos Santos, CANORECO Director Socrates Fuentebella ng Daet South/San Lorenzo Ruiz, mga kawani ng CANORECO sa pangunguna ni Gng Delia Durante, MSD Chief, G. Alden Paghonasan, Building Coordinator ng Gawad Kalinga Camarines Norte Chapter, at mga opisyales ng Barangay Laniton at Purok 2.

Nagbigay ng tulong ang CANORECO sa nasabing GK sa pamamagitan ng pagpapailaw sa nasabing lugar bilang parte ng Corporate Social Responsibility nito.
[easingslider id=”2340″]
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa INSTITUTIONAL SERVICES DEPARTMENT (ISD) sa cellphone number 09212116180 at sa teleponong 571-3717.

