CANORECO Balita

SINGIL SA KURYENTE BUMABA NGAYONG MARSO 2019

Bumaba ang singil sa kuryente ngayong Marso 2019 billing na babayaran sa Abril 2019. Ang sanhi ng pagbaba ay dahilan sa mababang Generation Charge partikular sa mababang presyo ng biniling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM at Aboitiz Power Renewables Inc. o Aboitiz. Nagkaroon ng pagbabago sa presyo dahil sa pagbaba ng New Castle Coal Price Index at Foreign Exchange Rate (FOREX).

Naging dahilan din ang pagbaba ng System Loss Charge na isa sa mga components ng taripa sa kuryente na binabayaran ng mga konsumidores. Ang System Loss ay bahagi ng kabuuang enerhiyang binili ng CANORECO na dapat ay rumihistro bilang konsumo subalit napupunta sa technical at non-technical losses at pandaraya o pagnanakaw. 

Ang rate sa residential para sa buwan ng Marso ay umabot ng P 9.6567 per kwh  kumpara noong nakaraang buwan ng PebreroHunyo na umabot ng P 10.3851 per kwh kung kaya sa kabuuan ay bumaba ang rate ng 73 centavos per kwh. Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng P 8.7031 per kwh para sa buwan ng Marso  kumpara sa P 9.4316 per kwh noong buwan ng Pebrero o bumaba din ng 73 centavos per kwh.

Para sa kaugnay na impormasyon makipag-ugnayan sa Corporate Services Department sa teleponong 571-3717, 09212116180 at 09177646763.