Nagdiriwang ng Golden Years of Rural Electrification Program ang National Electrification Administration o NEA at mga Electric Cooperative (EC) ngayong taon ng 2019. Kaugnay nito, nagkaroon ng Warriors of Light Luzon Summit kung saan nagpakita ng galing ang mga lineman ng iba’t ibang EC sa Luzon. Ginanap ang Luzon Summit sa Benguet Electric Cooperative Inc. o BENECO sa Baguio City noong Hulyo 23-25, 2019. Naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon si NEA Administrator Edgardo Rama Masongsong.
Nagbigay ng pinansyal na suporta ang Bicol Electric Cooperative Association o BECA para sa mga napiling EC sa Bicol Region na lalahok sa kompetisyon. Anim (6) na kooperatiba ang napili upang maging kalahok kasama na ang CANORECO. Ang mga nakasaling lineman ng CANORECO ay dumaan sa mga ensayo sa pangunguna ng kanilang team leader na si Engr. Ryan Bacuño.
Ang pinakatampok na bahagi ng Summit ay ang Lineman rodeo kung saan ang mga kalahok ay nagkumpetensya sa Conductor Riding, Pole Climbing, Knot Tying, Bandaging, Pole dressing at Pole undressing. Umuwi naman ng pagkapanalo ang grupo ng CANORECO para sa Conductor Relay Riding at naging over-all champion sa Luzon Summit.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Technical Services Department (TSD) sa cellphone nos. 09212116180 at 09560525608 at landline number 054-5713717.

