CANORECO Balita

๐‘๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š ๐ง๐  ๐‚๐€๐๐Ž๐‘๐„๐‚๐Ž ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ฎ๐

Isinagawa ang District Election ng CANORECO sa distrito ng Basud noong July 6, 2024 (Sabado) mula 8:00 ng umaga sa Basud Central School.
Nakakuha ang nag-iisang kandidato ng 14 votes. Sa kanyang pagkapanalo, muling magsisilbing Director o Representative ng mga MCO sa District I – Basud si Director Ruel S. De Vera sa loob ng tatlong (3) taon.
Pinangasiwaan ang nasabing election nila District Election Committee (DECOM) Chairman Imelda Q. Parena (Head Teacher); Secretary Jimmy A. Cereno Jr. (Head Teacher); 3rd Member Ramon V. Barrameda II (MCO Municipal Chairman ng Basud); Alternate Member Grant Erwin M. Aurin (MCO Municipal Vice Chairman ng Basud); dalawang Precinct Election Committee (PECOM) Teachers ng Basud; at mga kawani ng kooperatiba.
Nagpapasalamat ang CANORECO sa mga naglingkod sa nasabing election lalo na sa Department of Education โ€“ Division of Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba, at sa mga MCO na tumupad sa kanilang obligasyon at karapatang bumoto ng kanilang representante sa CANORECO.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph