Posted onAuthorComments Off on πππππ πππ¬π€ π π¨π«ππ πππ¬π¬π’π―π ππ’π π‘π π¨π πππ² ππ₯πππ«π’π§π
Tumulak papuntang Albay nitong Linggo, 22 ng Enero 2023 sa ganap na alas-6 ng umaga ang team ng CANORECO para sa Task Force Massive Right of Way Clearing para sa Albay Electric Cooperative (ALECO). Binubuo ang team ng limang miyembro na pinangungunahan ng Safety Officer ng CANORECO na si Engr. Reymond L. Rada. Kasama rin sa team sina Lineman Gerardo D. Moya, Lineman Walter R. Morada, Lineman Rommel C. Lacbay, at si Lineman Carlo P. Baptisma. Dala nila ang Emergency Response Vehicle at ang C-6 Manlifter ng Kooperatiba.
Ang nasabing akitibidad ay resulta ng mga naging consultative meetings ng mga kasapi ng Bicol Electric Cooperative Association (B.E.C.A.) na kung saan napagkasunduan na magpadala ng team ang mga Electric Cooperatives ng Bicol Region upang tulungan ang ALECO sa pagsasagawa nito ng right of way clearing mula January 22 hanggang 29. Tinawag ang gawain na ito na βTarabang-tabang para sa ALECO, para sa lambing Albayano!β
Ang right of way clearing ay ang paglilinis ng mga linya ng kuryente mula sa mga sanga ng mga punong kahoy na maaaring dumikit rito. Ayon ito sa Republic Act No. 11361 o βAnti-obstruction of Power Lines Actβ kung saan binibigyan ng karapatan ang mga distribution utility na katulad ng CANORECO na mag-tabas o kaya naman ay magputol ng mga sanga kapag ito ay pumasok na sa 3-meter zone mula sa poste o structure upang tuloy-tuloy ang daloy ng kuryente. Ang pagdikit ng sanga ng isang punong kahoy ay maaaring maging dahilan para magkakaroon ng power service interruption sa isang lugar.
Matatandaan na noong Nobyembre ng nakaraang taon ay bumalik sa ALECO mula Albay Power Electric Company (APEC) ang pamamahala ng distribusyon ng kuryente sa Albay matapos ang isang Special General Membership Assembly (S.G.M.A.).
Kaya naman, ang CANORECO ng lalawigan ng Camarines Norte; CASURECO I, CASURECO II, CASURECO III, at CASURECO IV ng Camarines Sur; FICELCO ng Catanduanes; SORECO I at SORECO II ng Sorsogon; TISELCO ng Ticao Island; at MASELCO ng Masbate, sa ilalim ng National Electrification Administration (N.E.A.), ay magkakasamang magtutulungan, upang maibangon muli ang ALECO at maibalik ito sa maaayos na operasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph
(Pictures from Albay Electric Cooperative, Inc. Facebook Page)
Ang Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) ay magkakaroon ng District Elections para sa pagka-Direktor sa mga sumusunod na distrito at petsa: DISTRITO at DATE OF ELECTION I Basud – December 28, 2021 IV Labo – December 28, 2021 X Mercedes – December 28, 2021 XI Vinzons – December 28, 2021 II Daet North – […]
Ang bagong schedule ng PMS ay ang mga sumusunod: San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Daet, Basud, Mercedes, Talisay, Vinzons/CANORECO Daet Main Office/Tuesday & Thursday/8AM-10AM, 10AM-12NN Labo/CANORECO Labo Area Office/Wednesday/9AM-11AM Sta. Elena/Sta. Elena Municipal Gymnasium/3rd Wednesday of the Month/1PM-3PM Bagong Silang, Labo/Bagong Silang 1 Barangay Hall/1st Thursday of the Month/10AM-12NN Capalonga/Capalonga Municipal Gymnasium/2nd Thursday of the […]
Upang bigyang diin ang sama-samang pagsisikap ng bansa sa pagtataguyod ng pagtutulungan para sa ligtas na pamumuhay at pagtugon sa mga isyu sa lipunan at alalahanin sa mga paaralan, sa mga tahanan, at sa pamayanan, kaisa ng Department of Education (DepEd) ang CANORECO sa Brigada Eskwela 2021 na may temang “Bayanihan para sa Paaralan.” Nagbigay […]