CANORECO Balita

JULY 2022 BILLING RATES, TUMAAS

Tumaas ang billing rates na babayaran para sa July 2022 billing. Ang residential rate ay Php14.8964 per kWh na kumpara sa Php13.7240 per kWh lamang noong nakaraang June 2022 billing. Ang low voltage rate ay Php13.9429 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php12.1874 per kWh. Nagkaroon ng pagtaas na Php1.1724 per kWh.
Ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Blended Generation Charge na Php8.8512 per kWh na tumaas ng Php0.9069 per kWh kumpara noong nakaraang June 2022 billing na Php7.9443 per kWh. Ito ay dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa gasolina (Fuel Costs) na isang pass-through cost na binayaran natin sa ating power supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng June 2022. Ang nasabing Fuel Costs ay tumaas ng 12.78% dahil sa mas maraming paggamit ng mas mahal na coal upang makabuo ng enerhiya.
Gayundin, ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay tumaas sa Php6.4727 per kWh kumpara sa Php5.6407 per kWh noong nakaraang buwan dahil sa pagkakaroon ng “sustained high price events” dulot ng “significant generator outages.”
Bahagya namang tumaas ang Transmission System Charge ng Php0.0241 per kWh dahil sa mas mataas na average transmission rate ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Tumaas din ang System Loss Charge ng Php0.1032 per kWh; ang Senior Citizen Subsidy, Lifeline Subsidy at Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na may kabuuang Php0.0115 per kWh; at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.1268 per kWh.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Ang buwan-buwang billing rates, mapababa man o mapataas, lahat ng ito ay aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ang regulator ng electric power industry ng bansa.
Dahil ang mga electric cooperative ay mga collecting agent din ng National Government, ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa TLI at sa WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook page na Canoreco Balita at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph