Patuloy ang clearing operations ka-MCOs ng ating team mula sa Technical Services Department upang masigurong walang didikit na sanga sa ating mga linya ng kuryente.
Katulad ng mga pictures sa ibaba na naganap noong 05 July 2023 (Miyrerkules) sa Barangay Iberica at Barangay Talobatib na parehong nasa bayan ng Labo.
Ang tanging pinuputol at tinatabasan ng ating team ay ang naaayon sa batas na right of way para sa ating mga poste at linya ng kuryente.
Kaya huwag pong ma-sad kung magtatabas po sila sa inyong bakuran, para rin po ito sa inyong kapakanan at kaligtasan. Maraming salamat ka-MCO sa suporta at unawa!

