Bahagyang tumaas ang power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa November 2024 billing. Ang residential rate ngayon ay Php 10.2023 per kWh kumpara sa Php 10.1774 per kWh noong nakaraang October 2024 rate. Ang low voltage rate ay Php 9.2487 per kWh at ang higher voltage rate naman ay Php 7.3466 per kWh. Ang bahagyang pagtaas na ito ng Php 0.0249 per kWh ay dahil sa mga sumusunod:
- Pagtaas ng Transmission System Charge ng Php 0.1655 per kWh dahil sa tumaas na Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa supply month ng October 2024.
- Pagtaas ng System Loss Charge ng Php 0.0124 per kWh sanhi ng pagtaas ng Transmission System Charge.
- Pagtass ng Senior Citizen Subsidy Charge ng Php 0.0001 per kWh, at
- Pagtaas ng Value Added Tax (VAT) Charges ng Php 0.0002 per kWh na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
- Sa kabilang banda, bumaba ang Generation System Charge ng Php 0.1533 per kWh dahil sa pagbaba ng fuel cost na binayaran ng Power Supplier ng CANORECO na Therma Luzon, Inc. (TLI), para sa supply month ng October 2024.
- Patuloy naman ang pagkolekta ng Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME) rate na Php 0.1822 per kWh alinsunod sa ERC Notice of Resolution para sa ERC Case No. 2022-014 RC noong September 5, 2023 na kinokolekta ng National Power Corporation (NPC).
- Gayundin ang Feed-In-Tariff Allowance (FIT-All) Charge na Php 0.0838 per kWh alinsunod sa ERC Decision para sa ERC Case No. 2022-051 RC noong May 3, 2024 na kinokolekta ng National Transmission Corporation (TransCo).
Sa bahagyang pagtaas ng power rate na babayaran sa December 2024 para sa mga konsumo sa kuryente nang November 2024, madadagdagan ng Php 2.49 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh; Php 4.98 sa nagkokonsumo ng 200kWh; at Php 7.47 sa nagkokonsumo ng 300kWh.
Sa November 2024 power rate, ang bayarin sa Generation System Charge ay Php 5.0019 per kWh; sa Transmission System Charge ay Php 1.0515 per kWh; sa System Loss Charge ay Php 0.7724 per kWh; sa Government Charges ay Php 1.3381 per kWh; sa Subsidies & Other Charges ay Php 0.4275 per kWh; at sa DSM Charges ay Php 1.6109 per kWh. Tanging ang Distribution/Supply/Metering Charges lamang ang napupunta sa CANORECO upang magamit sa pang-araw-araw na operasyon nito.
Ang mga pass-through charge ng CANORECO (Generation, Transmission, System Loss, Lifeline Rate Subsidy at Senior Citizen Subsidy) ay nakabatay sa halagang ibinayad ng kooperatiba sa mga power supplier (TLI at WESM) at sa grid operator (NGCP), gayundin sa mga ibinigay na subsidiya sa mga lifeline rate at senior citizen na mga konsumidores na kinakalkula gamit ang inireseta ng ERC na Uniform Reportorial Requirement (URR) spreadsheet template.
Ang lahat ng rate component sa electric bill na kinokolekta ng kooperatiba ay dumadaan sa regulasyon at sumasailalim sa buwanang pagsusuri ng ERC. Karapat-dapat tandaan na ang kooperatiba ay hindi pinapayagang baguhin ang mga rate na kinokolekta sa mga konsumidores nang walang paunang awtoridad ng ERC na may hurisdiksyon sa mga distribution utility (private utility at electric cooperative).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph.


