CANORECO Balita

AGMA PRE-REGISTRATION MAGSISIMULA SA AGOSTO 24, 2018

Magkakaroon ng maagang pagpapatala o pre registration para sa gaganaping Annual General Membership Assembly o Agma sa Agosto 24, 2018, Biyernes. Ang venue ay sa mga sports complex ng bawat bayan maliban sa Paracale na gaganapin sa Brgy. Tugos covered court at sa Daet na gaganapin sa CANORECO main office simulang alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Sa araw naman ng AGMA, Agosto 25, Sabado, ipagpapatuloy pa rin ang registration sa mga nabanggit na lugar para sa hindi nakaabot sa pre-registration ng Biyernes at magsisimula ang pagpapatala ng alas 9:00 ng umaga hanggang makaalis ang mga sasakyan na nakatalaga sa bawat bayan para sa libreng transportasyon

Ang asembliya para sa mga taga Daet, Vinzons, Talisay, Mercedes, Basud, San Lorenzo Ruiz at San Vicente o Bicol Speaking towns ay gaganapin sa Daet Sports Center, samantalang ang asembliya para sa mga taga Labo, Sta. Elena, Capalonga, Paracale at Jose Panganiban o mga taga Tagalog speaking towns ay gaganapin sa Labo Sports Complex.

Ang CANORECO ay magbibigay ng libreng transportasyon sa araw ng AGMA, Agosto 25, Sabado, sa mga dadalong kasapi. May mga maghihintay na mga sasakyan sa mga piling barangay simulang alas 8:00 ng umaga at magtutungo sa sports complex ng bawat bayan para sa pagparegister ng mga miyembro. May mga maghihintay din na mga sasakyan sa bawat sports complex papuntang venue ng Annual General Membership Assembly (AGMA). Maaaring makipag ugnayan sa MSEAC officers at members o sa mga Area Offices ng CANORECO ukol dito.

Magdala lamang ng CANORECO membership I.D na may picture o anumang valid I.D. para sa madaling pagpaparehistro. Kinakailangan din ang valid ID na may picture para sa maswerteng mananalo sa mga papremyo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa INSTITUTIONAL SERVICES DEPARTMENT (ISD) Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.