CANORECO Balita

MSEAC PRE-AGMA MEETING MATAGUMPAY NA NAIDAOS

Matagumpay na naidaos noong nakarang Lunes, Agosto 13, 2018 ang Pre-AGMA Meeting na ginanap sa CANORECO Function Hall. Β Ito ay dinaluhan ng mga Board of Directors ng CANORECO sa pangunguna ng Board President na si Engr. Edwin H. Lamadrid at ng General Manager Zandro R. Gestiada.

Kasama rin sa nasabing okasyon ang mga opisyales ng Multi-Sectoral Electrification Administration Council (MSEAC) ng iba’t ibang distrito kasama ang Presidente ng MSEAC Federation Mr. Efren Tevez, Department at Area managers at ilang kawani ng CANORECO. Dinaluhan din ito ng ilang media at consumers group.

Ang layunin ng Pre- Annual General Membership Assemby (AGMA)Β  Meeting ay upang mapag-usapan ang mga paksang tatalakayin sa nalalapit na AGMA sa Agosto 25, 2018. Tinalakay ng ibat ibang committee ang mga magiging sistema sa registration, transportasyon, raffle, seguridad ng mga dadalong konsumidores at iba pa.

[easingslider id=”3208″]

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa INSTITUTIONAL SERVICES DEPARTMENT (ISD) Office sa cellphone number 09212116180 at 09560525608 at sa teleponong 571-3717.