CANORECO Balita

Resulta ng CANORECO Regular District Election sa Bayan ng Santa Elena

Matagumpay na naisagawa ang Regular District Election sa CANORECO District IX na sumasaklaw sa bayan ng Santa Elena nitong ika-19 ng Hulyo 2025 (Sabado). Nagbukas ang mga presinto para sa pagboto ng 8:00 ng umaga sa Santa Elena Integrated School.

Nakakuha si Director-elect Sonny B. Pagao ng 21 na boto bilang nag-iisang kwalipikadong kandidato para sa pagka-Direktor ng Distrito ng Santa Elena. Si Director-elect Pagao ay magsisilbing Director o Representative sa CANORECO ng mga MCO ng District IX – Santa Elena hanggang sa susunod na Regular District election sa taong 2028. Siya ay manunumpa bilang isang ganap na CANORECO Director para sa bayan ng Santa Elena sa darating na 42nd Annual General Membership Assemby ng Kooperatiba na gaganapin sa August 31, 2025 (Linggo).

Ang nasabing election ay pinangasiwaan nila District Election Committee (DECOM) Chairman Dionel Archivido (Master Teacher), DECOM Secretary Dexter Morta (Head Teacher) at DECOM 3rd Member Francis Joseph Pempengco (MCO Municipal Chairman ng Santa Elena).

Nagpapasalamat ang CANORECO sa Department of Education – Division of Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta sa mga District Election na isinasagawa ng kooperatiba, at sa mga MCO na tumupad sa kanilang obligasyon at karapatang bumoto ng kanilang representante sa CANORECO.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa CANORECO Official Facebook Page na Canoreco at sa CANORECO Official Website na www.canoreco.com.ph